Mahigit apatnapung ektarya ng palaisdaan sa Bayambang, apektado na ng init ng panahon

Umaangal na ang mga mangingisda sa bayan ng Bayambang, Pangasinan dahil sa pagkalugi ng kanilang mga alagang isda dala ng nararanasang matinding init ng panahon.

Sa ngayon, umaabot na sa apatnapung ektarya ng palaisdaan na umaasa sa tubig ulan ang naapektuhan ng matinding init kung saan ang ibang palaisdaan ay tuluyan ng nawalan ng tubig.

Nararanasan narin ng mga fishpond operator ang paglutang at pagkamatay ng mga alagang isda sanhi ng kanilang pagkalugi.

Bukod dito, pinangangambahan naman ng Department of Agriculture ang banta ng el nino na posibleng magresulta sa pagbaba ng produksyon ng tilapia at pagtaas ng presyo nito.

Speak Your Mind

*