Mahigit dalawampung libong botante, nanganganib na hindi nakaboto sa Dagupan

Mahigit dalawampu’t pitong libo at walong daan na botante dito sa lungsod ng Dagupan, ang kailangang i-validate ng kanilang registration, at nasa panganib na hindi sila makaboto para sa ‘May 2016 National and Local elections’, kung hindi ito ma-validate.

Ayon kay Acting City Election Officer Erickson Oganiza, ang mga nasabing botante ay kulang sila sa biometric data sa kanilang registration na isang requirement sa ilalim ng Republic Act No. 10367.

Ang validation at registration ay nagsimula noong Mayo a-sais at magpapatuloy sa labimpitong buwan hanggang Oct. 31, 2015.

Ayon pa kay Oganiza, sa tulong ng biometric system ay mas madali na matukoy ng COMELEC ang mga double o multiple registrations.

Kailangan ng id para sa mga nagpapa-validate o transferee, at birth certificate naman para sa mga bagong botante.

Speak Your Mind

*