Mahigit isandaang katao, nahostage sa isang piitan sa Brazil

Aabot sa 122-katao kabilang ang mga bumibisita at apat na prison guards ang bihag ngayon ng mga preso sa isang piitan sa Brazil sa nangyaring riot ng mga ito.

Sa ulat, nangyari ang pangho-hostage sa Advogado Jacinto Filho Prison sa siyudad ng Aracaju, Sergipe State sa North­Eastern Brazil.

Ayon kay Prison Spokeswoman Sandra Melo, posibleng may kinalaman ang pang­ho-hostage sa kagustuhan ng mga bilanggo na mailipat ang mga ito ng kulungan dahilan sa pagiging overcrowding.

Napag-alaman na mayroong mahigit limandaang libong bilanggo sa Brazil at kailangan ang karagdagang dalawandaang libong spots para maiwasan ang overcrowding sa nasabing kulungan.

Speak Your Mind

*