Mahigit isandaang Glock 17 pistol, ipinagkaloob sa mga pulis sa Pangasinan

Umaabot sa isandaan at pitumpu’t isang (171) mga myembro ng Philippine National Police (PNP) sa Pangasinan ang napagkalooban ng tig-isang Automatic Glock 17 generation 4 pistol.

Ayon kay Police Information Officer Captain Ryan Manongdo, ng Pangasinan Police Office (PPO), ito na ang pangatlong batch ng pamamahagi ng pistol na bahagi ng programa ng National Goverment na one is to one ang short firearms na issue sa mga pulis.

Dagdag pa ni Manongdo na kahit saang distino mailipat ang mga pulis ay dala dala nila ang naturang baril habang ang mga temporary issue sa mga pulis sa napagkalooban ng bagong baril ay ibibigay din sa ibang mga pulis na wala pang baril.

Sa ngayon may 2,115 na mga Glock 17 pistol ang naiissue na sa kapulisan, na umaabot na SA 99.64% sa kabuuang bilang ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*