Malnourist children sa bayan ng Bugallon, prayoridad na tulungan ng lokal na pamahalaan

Prayoridad ngayon ni Mayor Jumel Anthony Espino na maayudahan ang mga batang malnourist matapos mapabilang ang bayan ng Bugallon sa may pinakamaraming malnourist children sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development o MSWD Officer Daisy Mejia, pag-upo palang ng batang alkalde sa puwesto ay agad nitong nakita ang malnutrisyon ng mga bata kayat ikinasa nito ang feeding program sa iba’t-ibang barangay ng Bugallon.

Sa ngayon, inihayag ni Mejia na bukod sa walong daan siyamnaput dalawang (892) malnourist children, umaabot na sa mahigit isang libong daycare ang regular ng pinakakain ngayong ng lokal na pamahalaan ng Bugallon.

Ikinatuwa naman ni Mayor Espino ang magandang resulta ng kanilang feeding program kung saan pinaplano pa nila ang pagbibigay ng hot meals at gatas dahil nadagdagan na ang timbang ng mga bata.

Speak Your Mind

*