Mangaldan, nasungkit ang Cleaness and Greenest Municipality sa PAKAR Awards

Nasungkit ng bayan ng Mangaldan, Pangasinan ang kampeonato bilang Cleaness and Greenest Municipality sa katatapos na PAKAR Awards bahagi ng selebrasyon ng Pistay Dayat 2014.

Ang pagkilalang ito ng Provincial Government ng Pangasinan para sa mga bayan na nasailalim ng kategorya kabilang ang 1st to 3rd class municipality ay sinusiri ang kakayahan sa “LGU Best Practices in Environmental Governance.”

Nasa ikalawang puwesto ang bayan ng Villasis, ang ikatlong puwesto ang bayan ng Bolinao.

Samantala, sa Category B naman na kinabibilangan ng 4th to 5th class municipality bilang Cleaness and Greenest Municipality ay nasungkit ng bayan ng Laoac, pumangalawa ang bayan ng Balungao.

Speak Your Mind

*