Marjorie Barretto, itinanggi ang mga bintang ni Claudine Barreto

Isa sa pinakamalalaking showbiz newsmakers ngayon ay ang away ng magkakapatid na mga Baretto

Recently, si Claudine at Marjorie na naman ang nagpalitan ng ‘not so good’ words sa isa’t isa!

Nangyari ito matapos ipalabas ang taped interview ni Claudine sa Buzz ng Bayan kung saan binasa ng host na si Boy Abunda ang statement ni Marjorie.

Taliwas ang mga sagot ni Marjorie sa mga sinabi in Claudine na pinilit siyang dalhin sa ospital ng kanyang mga ate at ginamitan pa raw siya ng strait jacket.

Anyway, magkakaiba man ang versions ay sila-sila lang din naman ang nakakaalam kung ano ang totoong nangyari.

Nauna nang sinabi ni Marjorie na sana ay maging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng nakababatang kapatid.

Speak Your Mind

*