Mark Herras, hindi raw gusto ang ‘isnaberong ugali ni James Reid

Iritado daw itong si Mark Herras sa baguhang si James Reid dahil pagkasuplado nito at hindi raw marunong bumati.

Ayon sa report, ilang beses na raw nagkakasalubong sa halls ng Kapuso Network ang dalawang actors.

Siyempre, ang expectations ni Mark ay babati man lang daw itong si James – considering na baguhan siya at tipong nagbi-build pa ng good image sa kanyang mga kasamang artists!

Pero na-disappoint daw si Mark nang hindi man lang daw siya pinansin ni James.

Naalala ni Mark na nung nagsisimula pa lang siya, ay halos lahat ng makasalubong niya – senior niya man o hindi – ay talagang binabati niya.

Say ni Mark, ang dapat raw matutunan ni James ay simpleng respeto sa kanyang mga kasamahan.

Speak Your Mind

*