Massive operation kontra dengue, pinaplano na sa bayan ng Infanta

Bagamat panahon pa ng tag-init, pinaplano na ng Municipal Health Unit o MHU ng bayan ng Infanta, Pangasinan ang kanilang massive operation kontra dengue.

Kaugnay ito sa nalalapit ng pagpasok ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo at Hulyo kung saan ito ang panahon na mataas ang naitatalang kaso ng dengue.

Ayon kay Infanta MHU Officer Dr. Marjorie Piga, nagtala na siya ng mga Barangay Health Worker o BHW na magmomonitor sa mga kabahayan sa kada barangay upang mamonitor ang mga lugar na pinamamahayan ng mga kiti-kiti para sa pagsasagawa nila ng fogging operation.

Ipinaalala naman ni Dr. Piga sa mga residente ang kahalagahan ng paglilinis sa kapaligiran dahil ito ang matatanging sandata upang malabanan ang pagkalat ng sakit na dengue.

Speak Your Mind

*