Mataas na kaso ng hika at pagtatae, naitala ng Region 1 Medical Center

Mataas ngayon ang naitatalang kaso ng hika o asthma ng Region 1 Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang kinumpirma ni R1MC Spokesperson Dr. Mike Canto, kung saan ito ay dulot umano ng pabago-bagong panahon na nagti-triger sa kanilang asthma.

Partikular aniya na madaling tamaan ng sakit na ito ay ang mga bata, palatandaan naman ng inaatake ng sakit ang asthma ay kung nagkakaroon ng nasal congestion, pagsikip  ng hininga, at hinihingal.

Bukod sa asthma, mataas din ayon kay Dr. Canto ang kanilang naitatalang kaso ng pagtatae o diarrhea dahil sa init ng panahon ngayon ay madaling mapanis ang mga pagkain.

Speak Your Mind

*