Mataas na un-employment rate sa Region 1, isinisisi sa job mismatch

Mas mataas ngayon ang naitalang unemployment rate sa buong Region 1 base sa tala ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Naniniwala ni DOLE Regional Director Grace Ursua na job mismatch ang dahilan kung bakit tumataas ng bilang ng mga walang trabaho sa rehiyon na umaabot na sa mahigit apatnapung libo.

Bagamat marami ang mga job opportunities, marami naman umano sa mga aplikante ang hindi naaabot ang mga hinihinging requirement ng mga employers.

Kasabay nito, hinihikayat ng DOLE ang lahat ng mga job seekers na pumili ng mga aaplayang trabaho ayon sa kanilang kakayahan, karanasan at enteres sa trabaho.

Kaugnay nito, aabot naman sa halos labin limang libong trabaho ang binuksan ng DOLE sa isinagawang jobs fair kahapon, kasabay sa araw ng paggawa sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*