Mataas ng presyo ng commercial rice, ramdam na sa Pangasinan, NFA, tiniyak na sapat ang suplay ng NFA rice

Siniguro ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan na sapat ang suplay ng bigas sa merkado kahit ramdam na ang bahagyang pagtaas presyo nito.

Matagal umanong pinaghandaan ng NFA ang pagpasok ng Lean months dahil posibleng ang NFA rice ang maging alternatibong bigas na bibilhin ng publiko dahil sa inaasahang pagmahal ng commercial rice.

Sinabi pa ni NFA Western Pangasinan Provincial Manager Rolando Rufo na matatag ang stock nila ng NFA rice at mayroon pang paparating na 360,000 sack na imported rice mula sa Vietnam.

Sa ngayon, nananatiling nasa P27 hanggang P32 ang presyo kada kilo ng NFA well milled rice, habang P43 naman ang commercial premium rice.

Speak Your Mind

*