Mega jobfair ng DOLE Pangasinan, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang jobsfair ng Department of Labor and Employment o DOLE nitong nakalipas na Labor day sa dalawang magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay DOLE Central Pangasinan Field Officer Engracio Bailon, umabot sa mahigit isang libong jobseekers ang nagtungo sa SM Rosales at CB Mall sa Urdaneta City para maghanap ng trabaho kung saan mahigit dalawandaan ang agad nabigyan ng trabaho.

Ayon pa kay Bailon, mahigit labinlimang libong trabaho din mula sa local at animnalibot isangdaan na overseas job orders ang kanilang inilatag sa mga jobseeker noong araw ng paggawa.

Ikinatuwa din ni Bailon na hindi aniya lahat ng mga partisipanteng employer ay nagmula sa Pangasinan kundi ang iba ay mula pa sa Metro Manila, Calabarzon, Subic, at Clark Pampanga.

Pinaalalahanan naman ni Bailon ang mga nabigyan ng trabaho na isa-puso, isa-ulo at mahalin ang kanilang trabaho upang magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng kanilang employers.

Speak Your Mind

*