Membership resignation sa NPC ng anim na Board Member ng Pangasinan, pirmado na

Pinirmahan na ng anim mula sa labimpitong Board Member ng Pangasinan ang kanilang intensyong pakikipagkalas sa partido politikal na Nationalist People’s Coalition (NPC), dahil sa umano’y deklarasyon ni dating Rep. Mark Cojuangco na tatakbo sa pagka-Gobernandor sa susunod na eleksyon na hindi man lang kinonsulta ang grupo ng NPC.

Anim pang Board Members ang may intensyon ding sasama sa unang anim na kumalas sa NPC at kapag makumpleto na ang nasabing pirma ay isusumite na ang resignation letter kina Faustino Dy, ang NPC Chairman at Francisco San Juan, ang NPC President.

Una pumirma sina Board Members Alfonso Bince at Danilo Uy ng 5th District, Raul Sison at Nestor Reyes ng 2nd District; Angel Baniqued Jr. ng 3rd District; at Mojamito Libunao ng 4th District.

Inaasahang pipirma din sina Board Members Napoleon Fontelera Jr. at Antonio Sison, ng 1st District, at Clemente Arboleda Jr. ng 5th District.

Speak Your Mind

*