Meralco, tiniyak na walang brownout sa panahon ng World Economic Forum

Tiniyak ng Manila Electric Company o Meralco na hindi maapektuhan ng brownout ang gaganaping World Ecenomic Forum sa Pasay at Makati City.

Sinabi ni Meralco Public Information Officer Lalaine Tiangco na sa kasalukuyan ay mayroong pang sapat na suplay ng kuryente para sa metro manila sa kabila ng emergency shutdown ng pagbilao power plant noong byernes.

Matatandaan na sa pag-shutdown ng Pagbilao Power Plant ay agad na nagpatupad ng rotating brownouts ang Meralco sa Manila, Quezon City, Caloocan, Navotas, Malabon, at Marilao Bulacan.

Sa kabila nito, binigyang-diin ni tiangco na hindi naman apektado ang Pasay City at Makati.

Speak Your Mind

*