Mga depektibong sasakyan, posible nang maibalik sa manufacturers oras na maipasa ang Anti-Lemon Bill

Posible nang maibalik sa manufacturers ang mga depektibong sasakyan!

Ito ay kung makakalusot sa parehong kapulungan ng kongreso ang panukalang isinusulong ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Nakapaloob sa Anti-Lemon Law na maaari nang maibalik sa manufacturer ang nabiling brand new na sasakyan kung mapatutunayang depektibo ito.

Ayon kay Rodriguez, hindi lang light vehicles ang pwedeng ibalik dahil kabilang din dito ang mga heavy equipment tulad ng bulldozers, graders, dump trucks at cranes.

Sa loob ng labingdalawang buwan mula nang mabili ang sasakyan ay dapat na makipag-ugnayan ang customer sa manufacturer o dealer para mai-detalye nito ang mga depektong nakita niya sa nabiling sasakyan.

Speak Your Mind

*