Mga gusaling magsisilbing evacuation center kapag may tsunami sa Dagupan, tinukoy na

Tinukoy na ng City Government ng Dagupan ang tatlong daang mataas na gusali at kabahayan na maaaring magsilbing evacuation centers kapag umatake ang isang malaking tsunami na sanhi ng  malakas na paglindol na nagmumula sa Manila trench.

Ayon kay Professor Nicanor Melecio, ang Consultant at Head ng Public Alert and Response Management Center (PARMC) ng Dagupan, ang mga natukoy na gusali ay susuriin pa ng mga engineers at architects para malaman ang kanilang structural stability na posibleng maging evacuation centers.

Pagkatapos ng ebalwasyon ay pipirma na ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng may-ari ng gusali para gamitin ang mga ito sa oras ng pangangailangan.

Ang hakbang na ito ay nag-ugat nang sabihin ng Phivolcs na maaaring magkaroon ng tsunami dito sa Dagupan kapag gumalaw ang Manila trench ng hanggang 8.2 magnitude.

Speak Your Mind

*