Mga ibenibentang alimango sa Dagupan, mahigpit na binabantayan

Istriktong minomonitor ngayon ng City Agriculture Office sa lungsod ng Dagupan ang ilang klase ng alimango na ibinebenta sa merkado matapos malaman ang advisory mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan nagbigay ng babala sa publiko na may dalawang klase ng alimango na nakakalason.

Ang mga nasabing alimango ay tinawag na ‘kuret’ dito sa Pangasinan, at may scientific name na ‘Sosimus Eyneyus‘(zozymus aeneus)’ at Atergatis Floridus, ay nadiskubreng nagtataglay ng mataas na concentration ng mga nakakalasong neurotoxins,  tetrodotoxin at saxitoxin.

Ayon kay Emma Molina, ang City Agriculture Officer, ang shell at laman ng mga nasabing alimango ay mas makamandag umano ng tatlong beses kaysa sa lason ng mga isdang butete.

Sa ngayon ay ipinaskil na ng City Agriculture Office ang mga larawan ng mga nakakalasong alimango para makita ito ng publiko at makaiwas sa insidente ng pagkalason.

Speak Your Mind

*