Mga investor na nagnanais magtayo ng negosyo sa Sta. Barbara, dumarami na

Dumarami na umano ang nagkaka-enterest na mga investor na magtayo ng kanilang negosyo sa lugar malapit sa bagong Municipal building ng bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon kay Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplan, marami nang nagtatanong na mga ahente ng lupa kung ipinagbibili ang mga bakanteng lote malapit sa bagong munisipyo sa Brgy. Maningding.

Tumaas na rin umano ng value ng lupa sa lugar kung saan mula sa dating P1,000 per square meter ay naging P3,000 per square meter na ito ngayon.

Ayon kay Mayor Zaplan, indikasyon lamang umano ito na hindi siya nagkamali sa desisyong ipagpatuloy ang pagpapatayo ng bagong munisipyo kahit na marami siyang natanggap na mga batikos.

Comments

  1. meron akong binebentang lote halos harap ng bagong municipal building.my mobile number 09278868721

Speak Your Mind

*