Mga kawani ng San Carlos City, tatanggap ng med-year bonus

Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng San Carlos ang panukala ni City Councilor Mienrado Ynzon na magbibigay ng med-year bonus sa lahat ng empleyado sa syudad.

Layunin umano nito na magkaroon ng kaluwagan sa budget ang mga empleyado ng munisipyo lalo na sa panahon ng pagbubukas ng klase ng kanilang mga anak.

Idinagdag pa ni Ynzon na hakbang din ito upang maiwasan ang pangungutang ng mga kawani ng munisipyo matugunan lang ang pangangailangan at kakulangan ng bubget para sa pamilya.

Nabatid na kauna-unahang itong naipatupad sa nasabing syudad sa bisa ng otoridad ni Acting City Mayor Bogs Resuello.

Speak Your Mind

*