Mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara na nalugi dahil sa kakulangan ng patubig, prayoridad ng NIA

Prayoridad ngayon ng National Irrigation Administration o NIA na mabigyan ng patubig ang mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Mabatid na umaabot sa walong daang ektaryang palayan sa Sta. Barbara ang naapektuhan ng kakulangan ng patubig na naging sanhi ng pagkalugi nitong nagdaang crafting season.

Ayon kay Engr. Sergio Martinez ng NIA, pinaghahandaan na nila ang schedule sa pagbibigay ng patubig sa mga magsasaka sa pamamagitan ng binuo nilang crafting calendar upang masiguro na walang matatapong tubig na magmumula sa San Roque dam.

Kaya ipinapayo ng NIA sa mga magsasaka na magtanim ng mas maaga upang hindi makasabay sa pagtatanim ng nasa mataas na bahagi ng sakahan na unang dinadaaanan ng patubig.

Speak Your Mind

*