Mga myembro ng WASAR team, sumailalim sa training

Nagpapatuloy ang limang araw na Search and Rescue Training and Basic Scuba Diving course sa Narciso Ramos Sports and Civic Complex ng tatlumpung myembro ng Water Search and Rescue (WASAR) team.

Una ng sinimulan kahapon ang naturang pagsasanay na kinabibilangan rin ng pitong munisipalidad sa lalawigan na nasa low lying areas at pangungunahan ng Office of the Civil Defense Regional Office sa koordinasyon Provincial Disaster Risk Reduction Coordinating Council (PDRRMC) ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Administrator and PDRRMC Vice Chairman Rafael Howard F. Baraan, mahalaga ang pagkakaroon ng isang community disaster rescue team para sa agarang pagresponde kung may dumating na kalamidad sa lugar.

Sinabi pa ni Baraan na kailangan maging mga capable rescue teams sa bawat komunidad lalo na sa mga bahaing lugar.

Speak Your Mind

*