Mga nabibiktima ng dikya, tumataas, mga health experts, pinag-iingat ang publiko

Patuloy na tumaas ang nabibiktima ng jellyfish sting o dikya sa ilang baybayin sa lalawigan ng Pangasinan kasabay sa selebrasyon ng mga kapistahan at bakasyon.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, hindi nila masabi kung anong uri ang mga dikya ang nagtutungo sa Lingayen Gulf, kaya ipinapayo nito na iwasan na magtungo sa malalim na bahagi ng dagat.

Nagbabala naman ang mga health experts na sakaling madikitan ng dikya, huwag itong huhugasan ng fresh water o anumang alcohol, kundi linisin ito sa pamamagitan ng tubig alat o kaya naman ay buhusan ng suka.

Iwasan din umano na kamutin ang nadikitan ng dikya, at ipinapayong  magsuot ng mga may manggas na damit upang makaiwas na mabiktima ng dikya.

Speak Your Mind

*