Mga nanalo sa Photo Contest ng Pangasinan, kinilala

Pinarangalan ni Governor Amado T. Espino, Jr. ang mga nanalo ng “best place, best shots” photo contest na nagpapakita ng vision ng lalawigan ng Pangasinan: the best place to invest, work, live and raise a family”.

Ang nasabing photo contest ay nilahukan ng mahigit dalawang daang photo entries mula sa hanay ng mga baguhan at professional photographers ng probinsya at mga karatig lalawigan.

Kasabay ng flag raising ceremony kahapon ay itinanghal ang mga nanalo kabilang na si Robert John Leyva Cabagnot ng Antipolo City, Rizal ang nakasungkit ng “best photo award,” at tampok sa photo entry nito na nakuha sa Patar, Bolinao;

Para naman sa Natural Wonders Category ay nasungkit ni Eric Gilos Merced ng Mandaluyong City; para sa Man-Made Attractions Category ay nanalo si Dan Lozano Regalado Reyes ng San Carlos City; at para sa People and Event Category ay nasungkit naman ni Jaime Sumugat Singlador ng Antipolo City.

Speak Your Mind

*