Mga negosyante, umaangal na sa kakulangan ng suplay ng kuryente

Inihayag ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Director Jose Alejandro, na dapat magkaroon ng mas malinaw na direksyon ang sektor ng enerhiya sa bansa.

Inireklamo rin ng mga negosyante ang kakulangan ng suplay at mahal na singil sa kuryente na isa anila sa dahilan kung bakit mas kaunti ang pumapasok na investor sa Pilipinas.

Aminado naman ang Department of Energy (DOE) na mahal ang singil sa kuryente sa Pilipinas dahil sa kawalan ng subsidiya ng gobyerno.

Sa datos ng Meralco noong 2012, nasa $0.20 US kada kilowatthour ang presyo ng kuryente sa Pilipinas na ‘di hamak na mas mahal kumpara sa Indonesia, Thailand at Malaysia.

Speak Your Mind

*