Mga residente ng San Carlos City na napinsala ng ipo-ipo, bibigyang ayudang pinansyal

Inihahanda na ng pamahalaang panglungsod ng San Carlos ang ayudang pinansyal sa mga residenteng sinalanta ng pagtama ng ipo-ipo sa syudad kamakailan.

Nasa pagproseso na ng City Social Welfare and Development Offfice o CSWD ng San Carlos, ang mga kakailanganing dokumento para sa agarang paglalabas ng pondo na magmumula sa disaster management fund.

Nilinaw naman ng CSWD na ang financial assistant na matatanggap ng mga sinalantang mga residente ay dedepende sa pininsalang tinamo ng kanilang bahay.

Matatandaan na nanalasa ang naturang ipo-ipo nitong nagdaang Abril a-bente syete, alas kwatro ng hapon sa ilang barangay ng San Carlos kung saan ilang kabahayan ang giniba nito.

Speak Your Mind

*