Mga technical officials, nagbantang i-boycott ang final games ng Palarong Pambansa

Planong mag-boycott sa final games ng Palarong Pambansa na ginaganap sa lalawigan ng Laguna ang mga technical directors kung hindi maibibigay ang incentives para sa mga tournament at technical directors.

Ayon kay Director Maximo Abalos ng NCR, nakatakdang magpulong ang mga technical directors sa larong boxing, billiard at chess para plantsahin ang plano matapos hindi naibigay ang cash incentives ng mga technical officials.

Sinabi pa ni Dir. Abalos, nasa 70 manlalaro sa boxing, hindi pa kasali dito ang larong billiard at chess ang sasama.

Nabatid na lahat na pangangailangan sa sports competition ay may pondo galing sa Deped subalit tatlong araw na mula nang buksan ang palaro ay wala umanong opisyal na nagbibigay ng pahayag ukol sa nasabing pondo.

Pinagbasehan nito ang pagpapalabas ng P11,000 bawat isa noong nagdaang Palarong Pambansa na agad ibinigay sa mga technical directors.

Speak Your Mind

*