Multa sa mga lalabag sa Anti- jaywalking ordinance ng Dagupan, ipapatupad na sa lunes

Tuluyan nang ipapatupad sa darating na lunes ang multa sa sinumang lalabag sa Anti- jaywalking ordinance sa lungsod ng Dagupan.

Una nang ipinatupad ng City Government ng Dagupan ang nasabing Anti-jaywalking ordinance nito lang a-bente otso ng Abril ngayong taon, kung saan pawang paalala’t warning lamang ang ipinataw sa mga lumabag.

Layunin umano ng panukala na turuan ang publiko sa tamang pagtawid at magkaroon ng disiplina sa paggamit sa mga pedestrian line.

Naniniwala din ang Public Order and Safety Office o POSO na ang maling pagtawid sa kalsada ng mga pasahero ang nagiging dahilan ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa lungsod at maaaring pagmulan pa ng aksidente.

Speak Your Mind

*