Municipal Traffic Ordinance sa bayan ng Sual, epektibo

Epektibo ang ipinatupad na Municipal Traffic Ordinance sa bayan ng Sual, Pangasinan dahil naging maluwag ang daloy ng trapiko sa bayan.

Nabatid na matagal na isinusulong ang nasabing ordinansa sa ilalim ng pamumuno ng mga nagdaang Chief of Police ng bayan ngunit ngayon lamang umano ito naipatupad ng maayos.

Ngunit ayon naman kay Police Team Leader Patroler Joel Ramirez, hindi maiwasan na mayroon paring mga pasaway na mga motorista na hindi sumusunod sa loading at unloading area.

Makapagtala na rin naman umano sila ng umaabot sa isandaang katao na lumabag sa no helmet, isandaang katao sa no parking, at limampu ang lumabag sa no sando, no shorts at no tsinelas policy sa unang qauter ngayong taon.

Ipinatupad din ang pagpataw ng multa sa mga lumabag sa batas, isandaan para sa unang paglabag, limandaan sa ikalawang paglabag at isanglibo’t limandaan sa ikatlong paglabag.

Speak Your Mind

*