Naitalang grass fire ng BFP Dagupan, umabot na sa pitumpu’t walo

Nagbabala ang Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan sa posibleng pagsiklab ng mga sunog dala ng nararanasang tag-tuyot at pagkatuyo ng mga talahiban.

Batay sa tala ng BFP Dagupan, nakapagtala na ng anim na kaso ng structural fire, pitumpu’t walong kaso sa grass fire mula sa buwan ng Enero hanggang sa buwang kasalukuyan.

Sa panayam ng Sonshineradio kay Dagupan BFP Chief Sr. Insp. Ferdinand Formacion, sinabi nito na karaniwang nangyayari ang grass fire mula na rin sa kapabayaan ng publiko na walang habas sa pagsusunog at pagtatapon ng upos ng sigarilyo.

Bunsod nito, nagpaalala si Formacion na maging responsible ang lahat upang maiwasan ang insidente ng sunog lalot posibleng aniyang madamay ang mga kabahayan kung hindi maaagapan ang naitatalang grass fire.

Speak Your Mind

*