Nakumpiskang mga imported rice, dapat umanong inspeksyunin ng DA at DOH

Dapat umanong inspeksyunin ang lahat ng mga nakumpiskang imported rice ng Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ito ang inihayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Rosendo So dahil posibleng malagay sa panganib ang sinumang kakain ng mga nakumpiskang imported rice dahil sa tagal na nakaimbak sa bodega.

Ayon pa kay So, ang nasabing ahensya ay may kakayahang matukoy ang iba’t ibang panganib sa pagkain, dahil posibleng kontaminado ito ng kemikal, at pestisidyo o posibleng may mga bukbok na o maaaring nabubulok na.

Hinimok din niya ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kapag pumasa sa pag-iinspeksiyon ang mga smuggled na bigas at natukoy na ligtas kainin, dapat na agad na ibenta ang mga ito, partikular sa DSWD para maipamahagi sa mga biktima ng kalamidad.

Speak Your Mind

*