Negirian Government, may impormasyon na sa kinaroroonan ng mga dinukot na mga mag-aaral

Nakatanggap na ng impormasyon ang Nigerian Government patungkol sa kinalalagyan ng mahigit sa dalawangdaang kabataang babae na dinukot ng militanteng grupo ng Boko Haram!

Ayon kay Borno Gov. Kashim Shettima, agad niya nang pinabeberipika sa militar ang natanggap niyang impormasyon.

Una rito’y nag-offer na si French Pres. Francois Hollande na mag-host ng summit kaugnay ng gagawing paghahanap sa mga batang bihag.

Kabilang sa mga bansang makikiisa sa summit ay ang Chad, Cameroon, Niger gayundin ang United Kingdom at European Union.

Nauna nang nagpadala ng team ang Estados Unidos sa Nigeria para tumulong sa ginagawang paghahanap sa may 230 mga kabataang mag-aaral na dinukot sa kanilang boarding school sa Borno noong a-kinse ng Mayo.

Speak Your Mind

*