Neonatal care, isinusulong ng R1MC upang mapababa ang bilang ng mga namamatay na sanggol

Inilunsad ng Department of Pediatrics ng Region 1 Medical Center o R1MC dito sa lungsod ng Dagupan ang forum para sa Neonatal care sa layuning mapababa ang bilang ng namamatay na mga sanggol.

Ayon kay Dr. Merlita Terrado, Pediatrics Head ng R1MC, layunin ng forum na maipabatid sa mga nurse at medwife ang kahalagahan ng kalusugan at kalagayan ng mga bagong silang na mga sanggol at kung paano nila ito aalagaan.

Idinagdag pa ni Dr. Terrado na mas mababantayan sa pamamagitan ng newborn screening ang mga sanggol at agad na malaman ang mga sakit na posibleng dumapo dito.

Nabatid na isa sa mga nangungunang dahilan ng new born mortality o pagkamatay ng mga sanggol ang inspeksyon.

Samantala, patuloy namang hinihikayat ng R1MC ang mga magulang na sa hospital manganak para matiyak ang kaligtasan ng mga sanggol.

Speak Your Mind

*