Net Income ng Walt Disney sa unang bahagi ng 2014, pumoste sa dalawang bilyong dolyar

Patuloy na humahakot ng milyon-milyong dolyar na kita ang Walt Disney Company, ilang buwan matapos ang ipalabas ang blockbuster animated movie na ‘Frozen’ sa buong mundo!

Base sa inilabas na report ng Walt Disney, nalagpasan na nito ang Wall Street Expectations para sa unang bahagi ng 2014!

Kumita ang Walt Disney ng mahigit sa isang milyong dolyar kada share  lagpas pa ito sa 96 cent average forecast ng mga analyst base na rin sa isinagawang survey ng Thomson Reuters.

Nai-poste ng kumpanya ang net income nito sa unang bahagi ng 2014 sa halos dalawang bilyong dolyar!

Samantala, ang operating income naman ng Walt Disney ay pumalo sa apat na raan at pitumpu’t limang milyong dolyar.

Apat na ulit itong mas mataas kung ikukumpara sa isangdaan at labing walong milyong dolyar na kita ng kumpanya noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*