Nietes, naidepensa ang hawak na WBO Light Flyweight Title matapos pabagsakin si Fuentes

Ipinakain ni Donnie Nietes ang mga di magagandang pananalita na ibinato sa kanya ni Mexican Boxer Moises Fuentes nang tatlong beses niyang pinabagsak ito sa ninth round tungo sa matagumpay na pagdepensa sa hawak na WBO Light Flyweight Title noong sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Ang matinding kanan sa bukas na panga ni Fuentes ang tumapos sa laban sa 2:56 ng 9th round upang mapanatili ng 31-anyos na si Nietes ang titulo na idinepensa sa ikaapat na pagkakataon.

Bago ito ay minaliit ng 28-anyos na si Fuentes ang kakayahan ni Nietes nang nauwi sa kontrobersyal na tabla ang unang pag­tutuos noong Marso 2, 2013.

Ito ang ikalawang knock­out win ni Nietes laban sa mga Mexican Boxers dahil noong nakaraang Nobyembre 30 sa Smart Araneta Coliseum ay tatlong rounds lamang ang itinagal ni Sammy Gutierrez.

Speak Your Mind

*