North Korea, nag-warning na muling magsasagawa ng nuclear test

May bagong banta ang North Korea (Nokor) hinggil sa pagsasagawa ng nuclear test bilang preparasyon sa umano’y hamon ng Amerika.

Sinasabi ng Nokor na gagawa ito ng counter-measures kabilang ang nuclear test, upang depensahan ang soberenya ng kanilang bansa, ayon sa official Rodong Sinmun Newspaper ng Pyongyang.

Magugunitang kamakailan ay sinabi ng South Korean Defense Ministry na nasa “final preparations” na ang Pyongyang sa pagsagawa ng nuclear test na mahigpit na ipinagbabawal ng United Nations (UN).

Ayon sa isang US Official, nakamonitor ang Amerika sa mga kaganapan sa Korean Peninsula at nanawagan sa Pyongyang na iwasan ang mga aksyon na maaaring makaapekto sa kapayapaan sa rehiyon.

Speak Your Mind

*