OFW, pinaalalahanan sa pag-iwas sa MERS Coronavirus

Patuloy na pinaalalahanan ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Worker sa Middle East para makaiwas sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS) Coronavirus.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa mga bansang may kaso ng MERS-CORV  upang matukoy kung may mga pinoy na apektado  rito.

Ayon kay Jose, dobleng pagtutok ang ginagawa ng ahensiya sa mga Filipino Health Workers lalo na sa Saudi Arabia kung saan may pinakamataas na kaso ng MERS-COV.

Ito’y sa dahilang ang mga ito ang mabilis na makapitan ng virus bunsod ng kanilang trabaho.

Speak Your Mind

*