Operasyon laban sa mga krimen, mas palalakasin ng CIDG Pangasinan

Mas palalakasin umano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang operasyon laban sa krimen dito sa lalawigan ng Pangasinan, ito’y sa kabila, na kahit kulang sila sa tauhan.

Ayon kay Chief Inspector Lucrecio Lotho Rodriguez, ang bagong head ng Pangasinan CIDG, ang tauhan ng ahensya dito sa probinsya ay apat lamang ngunit meron silang tiglimang tauhan sa kanilang satellite offices sa Dagupan City at Urdaneta City.

Sa operasyon ng grupo ay naaresto na nila ang Vistro Group, isang organized crime gang, kasunod ng pagkakaaresto din sa labing siyam na wanted persons mula sa labimpitong operasyon na kanilang isinagawa at dito rin nakumpiska ang iba’t ibang de kalibreng baril.

Umaasa si Rodriguez na mas marami pang kriminal ang kanilang maaaresto, kung saan plano nilang ipatupad ng walong search warrants at 24 warrants of arrest sa bawat buwan.

Speak Your Mind

*