Oplan Balik Eskuwela, pinaghahandaan na ng DepEd Dagupan

Pinaghahandaan na ng Department of Education o DepEd Dagupan ang kanilang “Oplan Balik Eskuwela” na taon-taon nilang ginagawa para tugunan ang pangangailangan ng mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase.

Ayon kay DepEd Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, kabilang sa tinututukan ng ahensya na masigurong makapagpa-enroll ang mga estudyante bago ang pasukan na itinakda sa darating na Hunyo a-dos.

Batay sa tala ng DepEd Dagupan, umaabot sa 10,719 sa sekondarya, 20,075 sa elementarya at 1,773 sa kender garten ang bilang ng mga mag-aaral sa lungsod ng Dagupan.

Kasabay nito, patuloy naman na inaanyayahan ng DepEd Dagupan ang mga magulang at mag-aaral na makiisa sa ikakasang brigada eskuwela na isasagawa sa darating na Mayo a-desi nuebe at Mayo a-bente kwatro para maging maayos at malinis ang mga paaralan sa darating na pasukan.

Speak Your Mind

*