“Oplan iwas sunog ngayong tag-init” na kampanya ng BFP, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang kampanya ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan laban sa naitatalang sunog lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Sinabi ni Dagupan BFP Chief Sr. Insp. Ferdinand Formacion, na hindi nagsasawa ang ahensya sa pagpapaalala sa publiko na iwasang mabiktima ng sunog sa pamamagitan ng kanilang programa na “Oplan iwas sunog ngayong tag-init”.

Layunin umano nito ayon kay Formacion na ipabatid ang mga hakbang na dapat gawin upang mamuhay ang publiko ng ligtas at matiwasay laban sa banta ng sunog.

Idinagdag pa ni Formacion na ang kaligtasan ng lahat ay nakasalalay sa ibayong pag-iingat, kahandaan at responsableng mamamayan.

Speak Your Mind

*