Pag-iingat na dapat gawin kapag may ipo-ipo, ipinayo ng PAGASA

Normal lamang umano ang nararanasang pagtama ng ipo-ipo o tornado ngayon panahon ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan Chief Engr. Greg de Vera sa panayam ng sonshineradio.

Sinabi ni de Vera, nabubuo ang tornado dahil sa pagbabago sa direksyon ng dalawang hangin namumuo sa kalawakan at ang dalawang hangin na ito kapag hindi nagbibigayan ay nabubuo na bilang tornado.

Palatandaan naman aniya kung may paparating na ipo-ipo ay kung makakakita na mamatos clouds o makakapal at maiitim na ulap, ngunit hindi naman umano nagtatagal ito.

Ipinayo naman ni de Vera na sakaling maranasan ang ipo-ipo sa kanilang lugar at nasa open field, mas mainam na humiga, sakaling nasa bahay, ay magtungo sa pinaka-mababang palapag ng bahay at kung nasa sasakyan, piliting lumabas ng sasakyan.

Speak Your Mind

*