Pagbi-byahe ng mga produktong kawayan sa Binmaley, lilimitahan

Lilimitahan na ang pagbi-byahe ng mga produktong kawayan sa mga pangunahing lansangan sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Ito’y ayon sa panukala ni Municipal Councilor Amelito Sison ng bayan ng Binmaley upang maiwasan ang aksidente o abala sa daan dulot ng mabagal na takbo ng mga sasakyang naglalaman ng mga kawayan.

Nilinaw naman ni Sison na tanging araw lamang ng lunes at linggo, alas syte hangang alas onse ng umaga planong limitahan ang pagbibyahe ng kawayan dahil ito ang araw na maraming aabalang mga residente.

Papayagan naman umano na araw-araw na makapag-byahe ng mga produktong kawayan sa oras ng alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga.

Samantala, posible namang patawan ng multang isanlibong piso ang lalabag sa unang pagkakataon, at dalawang libong piso sa ikalawang pagkakataon bukod pa sa pagkakakulang ng may dalawang buwan.

Speak Your Mind

*