Pagbubukas ng 2014 Brigada eskwela sa Dagupan, pinangunahan ng mga matataas ng opisyal ng lungsod

Sinimulan na kahapon ang 2014 Brigada eskwela sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa at magtatapos ito hanggang sa araw ng biyernes.

Dito sa lungsod ng Dagupan ay pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez ang brigada eskwela sa Caranglaan elementary school kung saan  namahagi ito ng mga pintura, electrical supplies at iba pang mga materyales na kailangan sa pagpapaganda sa mga gusali ng paaralan.

Ginawa ang seremonya sa Caranglaan elementary school na dinaluhan nina Schools Division Superintendent Gloria Torres, Assistant Division Superintendent Lourdes Servito, Caranglaan Brgy. Capt Teresita Coquia, Dagupan City Police Chief Christopher Abrahano at City Engineer Virginia Rosario.

Kabilang din dito ang mga Education Supervisors, District Supervisors, School Principals, Public School Teachers, mga magulang at myembro barangay council at iba pang N-G-O’s.

Speak Your Mind

*