Pagdadraga sa kailugan ng Dagupan, posibleng abutin pa ng mahigit isang taon.

Aabutin umano ng mahigit isang taon ang pagdadraga o paghuhukay sa kailugan ng syudad ng Dagupan na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay City Engineer Virginia Rosario, mahigit 250,000 cubic meters ng silt o lupa ang tatanggalin sa ilog sa gagawing dredging operations at ito ay uumpisahan pagdating ng tatlong dredging machines ng DPWH.

Ang mga lupang mahuhukay sa ilog ay gagamitin umano na pantambak sa mga lugar na palaging nababaha.

Anim na metro umano ang lalim ng lupa na nakatakda nilang hukayin para maging mas madaling dumaloy ang tubig baha pababa sa Lingayen gulf sa panahon ng tag-ulan.

Ayon pa kay Rosario, uunahin nila ang pagdadraga sa Calmay river kung saan nakikita na ang namumuong isla sa gitna ng ilog.

Speak Your Mind

*