Pagdemolish sa mga illegal fishpen sa Dagupan, ipinag-utos na

Inatasan na ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang pagde-demolish sa lahat ng mga fish pen na itinayo sa kailugan ng lungsod.

Ito ay matapos ibigay ang final ultimatum sa mga fish pen owners noon pang April 30 kung saan hinintay ang boluntaryong pagtatanggal ng mga may-ari ng fish pen.

Ngunit nadismaya umano si Fernandez matapos malaman na ipinagpapatuloy pa rin ng mga fish pen owners ang kanilang operasyon.

Nagtiyaga umano ang City Government na pagbigyan ang mga fish growers at sobra-sobrang panahon na ang palugit na ibinigay sa mga ito.

Sa ngayon ay inatasan na ni Fernandez si City Agriculturist Emma Molina sa koordinasyon ng Dagupan Police, kasama ang Maritime Police para sa all-out demolition ng mga natitirang fish pen sa kailugan ng Dagupan.

Speak Your Mind

*