Paggunita sa Araw ng Paggawa, naging mapayapa

Naging mapayapa sa kabuuan ang selebrasyon ng Araw ng Paggawa.

Ito ang kinumpirma sa sonshine radio ni National Capital Region Police Office Regional Director Carmelo Valmoria.

Ayon kay Valmoria, umubra ang ipinantapat na maximum tolerance ng pambansang kapulisan sa isinagawang kilos-protesta ng mga manggagawa.

Ayon pa kay Valmoria, hindi lamang ang mga lugar na pinagdarausan ng kilos-protesta ang mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng civil disturbance management kundi maging ang mga malls na tiyak na dinarayo dahil ngayong holiday.

Speak Your Mind

*