Pagpalo sa 200% na kumpirmadong kaso ng tigdas sa Pangasinan, wala umano dapat ikabahala

Pumalo na sa dalawan daang porsyento ang kumpirmadong kaso ng measles o tigdas sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon, mas mataas kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Batay sa tala ng Pangasinan Health Office (PHO), siyam napu’t isa (91) ang kumpirmadong kaso ang naitala higit na mataas mula sa apatnapu’t apat (44) na kumpirmadong kaso noong nakaraang taon.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna de Guzman, malaking factor sa pagtaas ng bilang ng kaso ng tigdas ay ang pagpunta sa lalawigan ng dati ng may kaso ng tigdas.

Kabilang naman ang bayan ng Bolinao, Bayambang, Lingayen at lungsod ng Alaminos sa may mataas na kaso ng tigdas.

Samantala, tiniyak naman ng PHO na walang dapat ikabahala ang mga Pangasinense sa pagtaas ng kaso ng tigdas sa lalawigan dahil maliit lamang ng porsyento ito kumpara sa bilang ng papulasyon ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*