Pagsabog sa isang coal mine sa Turkey, dalawampu katao ang agad na nasawi

Pumalo na sa dalawampu ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa isang coal mine sa bayan ng Soma sa kanlurang bahagi ng Turkey.

Batay sa ulat ng mga health officials sa lugar, 20 bangkay ang narekober mula sa minahan habang 20 rin ang agad dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Sinasabing naubusan ng hininga ang ilan sa mga nasawi habang nagtamo naman ng pinsala sa katawan ang iba pa dulot ng pagsabog.

Pinaniniwalaan na animnaraang mga minero ang nasa loob ng minahan ngunit 300 sa mga ito ang pinaniniwalaang na trap pa rin sa loob nito kayat patuloy ang isinasagawang search operation

Speak Your Mind

*