Pagsabog sa isang istasyon ng tren sa China, kagagawan umano ng mga rebelde

Ipinag-utos na ni Chinise President Xin Jinping ang isang kritikal na pagkilos laban sa mga teroristang nasa likod ng pagsabog sa isang istasyon ng tren nitong miyerkules!

Tatlo katao ang naitalang nasawi habang pitumpu’t siyam naman ang sugatan sa naganap na pagsabog sa Urumqi South Railway Station.

Base sa rekord ng pulisya, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng bayolenteng insidente sa Urumqi Station.

Agad namang isinisi ng Beijing ang malagim na insidente sa mga maka-kaliwang grupo partikular na Yung mula sa Muslim Uighur Minority.

Bago pa ang pagsabog, napag-alamang pinagsasaksak muna ng mga suspek ang mga pasaherong papalabas ng istasyon kasabay ng pagdetonate sa mga pampasabog.

Speak Your Mind

*