Pagsasagawa ng cloud seeding, hindi pa umano kailangan sa lalawigan ng Pangasinan

Sa kabila ng nararanasang mainit na panahon at banta ng El Nino, hindi umano kailangang magsagawa ng cloud seeding sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Dagupan Weather Bureau Chief Engr. Greg de Vera, sa isinagawang KBP forum kahapon taliwas ng ginawa sa ilang lugar upang madagdagan ang tubig sa mga dam.

Sinabi ni de Vera na wala pang abiso mula sa Central Office na magsagawa ng clouding seeding lalot hindi naman niya madali ang pagsasagawa nito depende sa uri ng ulap at direksyon ng hangin.

Ayon kay de Vera, suntok sa buwan at pagsasayang lang ng pera ang cloud seeding dahil hindi naman umano lahat ng naipo-produce na tubig ay naibabaksak sa dapat pag-lagyan ng tubig.

Speak Your Mind

*